top of page
bg tab.png

Firstcore Multi-Purpose Cooperative, Maglulunsad ng Malawakang Hiring sa PESO Angat


Isang malaking oportunidad sa trabaho ang naghihintay para sa mga residenteng naghahanap ng mapagkakakitaan. Inanunsyo ng Public Employment Service Office (PESO) Angat na magkakaroon ng Local Recruitment Activity (LRA) ang Firstcore Multi-Purpose Cooperative sa darating na ika-28 ng Mayo, 2026.


Ang serye ng face-to-face interview ay magsisimula sa ganap na alas-9:00 ng umaga sa tanggapan ng PESO na matatagpuan sa New Municipal Building, Barangay San Roque, Angat, Bulacan.


Bukas ang kumpanya sa mga aplikanteng lalaki na handang magsimula agad (Willing to start ASAP), kayang magtrabaho ng extended hours, at bukas sa setup na "with stay-in":

  • 20 Production Workers / 2 Sanitation Workers: Bukas para sa mga undergraduates. Handang maitalaga sa cold and dry areas.

  • 20 Labors (Civil): Bukas para sa mga undergraduates. Handang maitalaga sa iba't ibang lokasyon.

  • 20 Truck Drivers: May hawak na Pro Driver's License na may restrictions na 1, 2, 3. At least High School Graduate.

  • 8 Carpenters / 12 Masons / 13 Steelmans: Bukas para sa mga undergraduates. Handang sumailalim sa trade test.

  • 8 Welder Erectors: May hawak na NCII Certificate, bukas para sa mga undergraduates, at handang sumailalim sa trade test.


Mahahalagang Paalala para sa mga Aplikante:

  1. Online Registration: Bago pumunta sa mismong araw ng interview, kinakailangan munang magrehistro online ang lahat ng interesadong aplikante sa link na ito: https://forms.gle/1oXAz4vqY1xgFFd79

  2. Face-to-Face Interview: Ang aktibidad na ito ay personal na gaganapin. Pinapaalalahanan ang lahat na magsuot ng angkop at disenteng kasuotan.

  3. Mga Dapat Dalhin: Huwag kalimutang magdala ng inyong updated resume at sariling itim na ballpen para sa pagpuno ng mga porma.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page