top of page
bg tab.png

FIREWORKS SAFETY TIPS MULA SA ANGAT MPS


Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilya sa pagsalubong sa Bagong Taon, naglabas ng mahahalagang Fireworks Safety Tips ang Angat Municipal Police Station (MPS).

Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, OIC, binigyang-diin ng kapulisan ang kahalagahan ng pag-iingat upang maiwasan ang mga sunog at sugat na dulot ng paputok.


Bahagi ito ng adhikain ng "Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas" na maghatid ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na impormasyon at proteksyon sa mga mamamayan ng Angat. Pinapaalalahanan ang lahat na ang disiplina at pagsunod sa mga safety protocols ang susi sa isang masayang selebrasyon.


FIREWORKS SAFETY TIPS

• Huwag pabayaan ang mga bata na maglaro at gumamit ng mga paputok o fireworks ng mag isa.

• Huwag bumili ng mga illegal at ipinagbabawal na paputok o fireworks.

• Laging tandaan ang tamang pag distansya sa mga aktibong paputok o fireworks.

• Huwag magpulot o huwag gamitin muli ang mga paputok o fireworks na nakakalat sa kalye, sahig o labas ng bahay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page