PAUNAWANG PABATID sa lahat ng BUSINESS/COMMERCIAL ESTABLISHMENTS:
Muling sisimulan sa darating na Marso 12 and Field Inspection/Validation sa mga establisimyentong nakatayo sa bayan ng Angat upang alamin kung nakatugon ba ang lahat sa pagsasaayos ng kanilang BUSINESS PERMIT o LISENSYA sa pagpapatakbo ng negosyo.
Layunin ng BPLS-JIT na maimbentaryo at makita nang tama ang mga negosyong umiiral sa ating bayan at mabigyan sila ng paalala at karampatang kaalaman sa kahalagahan ng pagtugon sa rekisitos na isaayos ang BUSINESS PERMIT at mga kaakibat na license/clearance upang makapag-operate.
Hinihiling po ang PANG-UNAWA at KOOPERASYON ng lahat.
Kung may katanungan hinggil dito, mangyari pong tumawag o magsadya sa aming tanggapan. Maraming salamat po.
Comments