EXERCISE DESIGN COURSE TRAINING
- Angat, Bulacan
- Jun 10
- 1 min read

Nagtapos sina Carlos R. Rivera Jr., MGDH1-MDRRMO at Maria Lilibeth F. Trinidad, LDRMM Officer II - Operations and Warning Division sa isinagawang Exercise Design Course noong nakaraang Hunyo 2-6, 2025 na ginanap sa Angeles City, Pampanga.
Ang isinagawang Exercise Design Course ay isang pagsasanay na kakayahang lumikha at bumuo ng epektibong pagsasanay na nagpapahusay sa mga pagpa plano, pamamaraan, at kakayahan na paghahanda sa panahon ng kalamidad.
Nagkaroon ng iba’t ibang workshop ang mga kalahok sa pagsasanay upang mahasa ang kanilang mga kakayahan para mas maging epektibo ang mga isasagawang Exercise Design Course.
Dagdag rito ay ang isinagawang Table Top Exercise kung saan nagkaroon ng Simulation Drill ang mga kalahok base sa kanilang mga pinagaralan sa pagsasanay.
Matagumpay na natapos nina Carlos R. Rivera Jr. At Maria Lilibeth F. Trinidad na tumanggap ng sertipikasyon ng pagtatapos.
Ang pagsasanay na ito ay isang pagpapakita ng pagpapalakas sa opisina ng MDRRMO Angat sa pangunguna ng Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Hon Reynante "Jowar" S. Bautista.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments