Evacuation Drill: Pagsasanay sa 4Ps Members para sa Disaster Preparedness at First Aid
- Angat, Bulacan

- Aug 6
- 2 min read

Bilang bahagi ng aktibidad ngayong araw, isinagawa ang isang serye ng Information Education Campaign kasama ang mga miyembro ng 4Ps sa pakikipagtulungan ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Angat Bureau of Fire Protection (BFP), at Angat Police Station.
Pinangunahan ni Ma. Lourdes A. Alborida, LDRRMO III, ang talakayan na nakatuon sa kaalaman, paghahanda, at pag-iwas sa epekto ng mga kalamidad. Naging aktibo ang partisipasyon ng bawat miyembro ng 4Ps sa diskusyon, kung saan napalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga umiiral na sakuna at ang tamang pagtugon sa mga ito.
Kasunod nito, nagsagawa ng Basic First Aid Training ang Angat MDRRMO na pinangunahan nina G. Steven Carlo Atienza at G. Jerico Emmanuel Saligao. Tinalakay sa pagsasanay ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa emergency, pati na ang bandaging technique gamit ang triangular bandage, splinting, at Cardio-Pulmonary Resuscitation (CPR).
Nagbigay rin ng mahalagang impormasyon ang BFP R3 Angat Fire Station tungkol sa Fire Safety, lalo na sa kusina at paggamit ng Liquified Petroleum Gas (LPG). Kasama rito ang mga pamamaraan upang maiwasan ang sunog at ang tamang paraan ng pag-apula nito. Sa huling bahagi ng aktibidad, nagkaroon ng demonstrasyon ang BFP kung paano ligtas na apulahin ang aktwal na lumiliyab na LPG.
Sa huling bahagi ng programa, nagbahagi ng kaalaman si PMS Mary Ann Valencia mula sa Pulisya ng Angat tungkol sa Violence Against Women and Children (VAWC). Tinalakay niya ang mga karapatan ng kababaihan at mga bata sa loob ng pamilya, pati na rin ang iba't ibang uri ng paglabag sa kanilang karapatan. Layunin ng diskusyon na mabigyan ng tamang kaalaman ang mga kalahok at alisin ang mga maling konsepto o miskonsepsyon tungkol sa VAWC.









Comments