top of page
bg tab.png

Evacuation Drill, Handa Na!

ree

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang iba't ibang opisina at departamento ng lokal na pamahalaan, ay isinagawa ang huling pagpupulong at pagtalakay para sa nalalapit na Evacuation Drill ngayong linggo.


Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I, ang pagpupulong at inilahad ang bawat aktibidad at hakbang na gagawin sa Evacuation Drill upang masiguro ang maayos at ligtas na implementasyon.


Kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD Angat), Municipal Nutrition Office, Pulisya ng Angat, BFP R3 Angat Fire Station – Bulacan, 4Ps Office, at mga miyembro ng Angat Rescue Team. Layunin ng aktibidad na ito na higit pang palakasin ang kahandaan ng bawat opisina at departamento sa pagtugon sa anumang kalamidad o krisis.


Kasama rin sa pagpupulong ang ilang delegado mula sa Boys and Girls Week upang maging pamilyar sila sa mga Asensong programa at mga hakbang na isinasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Angat para sa kaligtasan at kagalingan ng komunidad.


Ang pagsasanay at pagplano na ito ay patunay ng patuloy na paghahanda ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.


Kung kayo po ay may emergency, maaari lamang tumawag sa Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page