top of page
bg tab.png

EVACUATION DRILL, HANDA NA!



ree

Sa layuning palakasin ang kahandaan ng bayan ng Angat sa panahon ng kalamidad, matagumpay na isinagawa ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang iba't ibang opisina at departamento ng lokal na pamahalaan, ang kanilang huling pagpupulong at masusing pagtalakay para sa nalalapit na Evacuation Drill na gaganapin ngayong linggo.


Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., Municipal Government Disaster Head I (MGDH I) ng MDRRMO, ang pagpupulong kung saan malinaw na inilatag ang mga hakbang at aktibidad na isasagawa sa panahon ng drill. Ibinahagi ang mga detalye ng mga responsibilidad ng bawat ahensya upang matiyak ang maayos at epektibong koordinasyon sa aktibidad.


Kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan tulad ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) Angat, Nutrition Office Angat, Pulisya ng Angat, Bureau of Fire Protection (BFP) R3 Angat Fire Station – Bulacan, 4Ps Office, at mga miyembro ng Angat Rescue Team. Pinagtibay nila ang kanilang dedikasyon at kahandaan upang gampanan ang kani-kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng evacuation drill.


Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang palakasin ang kahandaan ng buong komunidad sa pagtugon sa anumang uri ng kalamidad. Layunin nito na mapabilis ang proseso ng paglilikas, maiwasan ang anumang abala o panganib, at masiguradong ligtas ang bawat residente sa panahon ng emerhensiya.


Bukod sa mga opisyal, kasama rin sa pagpupulong ang ilang delegado mula sa Boys and Girls Week mula sa mga nabanggit na tanggapan. Layunin nito na mabigyan sila ng sapat na kaalaman tungkol sa mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan, lalo na ang mga inisyatibo na naglalayong mapabuti ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan.


Ang inyong kooperasyon at suporta ay napakahalaga upang maging matagumpay ang

gawain na ito. Sa panahon ng emergency, huwag mag-atubiling tawagan ang mga sumusunod na hotline para sa agarang tulong at suporta:


Angat Rescue Hotline: 0923-926-3393 / 0917-710-5087


Manatiling handa, ligtas, at panatag. Sama-sama nating harapin ang anumang pagsubok para sa kapakanan ng bawat Angateño.


#AsensoAtReporma#MDRRMOAngat#AngatRescueTeam#HandaLigtasAtPanatag#Kumikilos

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page