top of page
bg tab.png

Evacuation Center sa Brgy. Banaban, Ininspeksyon ng PNP Angat para sa Kaligtasan ng mga Bakwit

Aug 10
1 min read

Isinailalim sa inspeksyon at pagdalaw ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang evacuation center sa Multi-Purpose Hall ng Barangay Banaban, Angat, Bulacan ngayong Agosto 10, 2026, bandang 10:53 ng umaga.


Pinangunahan mismo ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS, ang aktibidad upang suriin ang lagay ng seguridad ng mga residenteng kasalukuyang nananatili sa pasilidad.


Layunin ng kapulisan na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maiwasan ang anumang gawaing kriminal, at tiyakin ang kaligtasan ng mga pamilyang nabiktima o inilikas dulot ng masamang panahon.


Ayon sa PNP Angat, ang patuloy na pagpapakita ng police visibility sa mga evacuation center ay mahalaga upang magbigay ng kapanatagan sa publiko at iparamdam ang mabilis na pagresponde ng pulisya sa kapakanan at proteksyon ng buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page