ENHANCING CAPACITY FOR PLANNING MASS EVACUATION AND MANAGINGCOMMUNITY EVACUATION SHELTERS OF BARANGAY PULONG YANTOK
- Angat, Bulacan
- Jun 15
- 2 min read

Noong nakaraang Hunyo 13, 2025 ay nagkaroon ng pagsasanay ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng Barangay Pulong Yantok.
Ang pagsasanay ay pinangunahan ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH1 (MDRRMO) katuwang si Ma. Lourdes A. Alborida, LDRRM Officer III upang talakayin ang Camp Coordination and Camp Management Training.
Sa pagbubukas ng pagsasanay ay nagbigay pambungan pananalita ang Punong Barangay na si Kapitan Renato Abong San Pedro. Pinasalamatan niya ang Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista para sa matagumpay na pagsasanay, gayunding ang pagbigay pahintulot sa MDRRMO na pangunahan ang nasabing pagsasanay.
Dadag rito ay ang pagbigay papuri at pasasalamat sa bumubuo ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee ng Barangay sa kanilang pagpupunyagi sa bawat sakuna na dumarating sa Bayan lalo na sa Barangay ng Pulong Yantok.
Sa kabilang banda ay tinutukan nina G. Carlos R. Rivera Jr. at Ma. Lourdes A. Alborida ang pagsasanay.
Unang tinalakay sa pagsasanay ang oryentasyon sa Disaster Risk Reduction and Management Committee. Tinalakay rito ang tungkulin at gampanin ng bawat miyembro ng BDRRMC sa panahon ng sakuna.
Sumunod na tinalakay ang Camp Management. Tinalakay sa bahaging ito ang esensya ng Camp Coordination at Camp Management gayundin ang mga kinakailangang pasilidad para matugunan ang mga kailangan ng mga Internally Displaced Persons sa tuwing mayroong kalamidad.
Nagkaroon rin ng workshop pagkatapos ng sesyon ang myembro ng Pulong Yantok BDRRMC. Sa workshop na ito tumutok ang pagtiyak sa mga kinakailangan pasilidad sa evacuation center sa kanilang barangay. Nagkaroon rin ng presentasyon ang kanilang mga gawa na inilahad kay Carlos. R. Rivera Jr. upang magbigay komento.
Naging matiwasay, aktibo, at masaya ang pagsasanay ng Pulong Yantok, Dahil sa PY, ANGAT KA!
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comentários