"E-Sabong Is Illegal": Mariing Babala at Paalala mula sa Angat Police Station
- Angat, Bulacan

- Jul 19
- 1 min read

Nagpalabas ng mariing babala ang Angat Municipal Police Station (MPS) laban sa anumang uri ng ilegal na pagsusugal, partikular ang pagtangkilik at pagpapatakbo ng E-Sabong o online cockfighting sa bayan ng Angat.
Ipinaalala ng kapulisan na ang E-Sabong ay itinuturing na ILEGAL at tahasang lumalabag sa umiiral na mga batas at opisyal na direktiba ng pambansang pamahalaan.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang kampanya laban sa E-Sabong ay bahagi ng kanilang pangkalahatang adbokasiya na sugpuin ang lahat ng anyo ng ilegal na sugal sa komunidad.
Nanawagan ang Angat MPS sa lahat ng barangay officials, mga magulang, at mamamayan na maging kaagapay ng pulisya sa pag-uulat ng anumang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na sabong o iba pang uri ng gambling sa kanilang lugar.









Comments