Mobile Blood Donation sa Sulucan, Matagumpay na Naisagawa
- Angat, Bulacan

- Dec 16, 2025
- 1 min read
Updated: Dec 21, 2025

Sa layuning makapagligtas ng buhay at madagdagan ang suplay ng dugo sa lalawigan, matagumpay na idinaos ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang isang Mobile Blood Donation ngayong araw, Disyembre 16, 2025.
Ginanap ang aktibidad sa Sulucan Covered Court na may temang “Dugong alay, pandugtong ng buhay.” Maraming mga residente mula sa Barangay Sulucan at karatig-lugar ang buong-pusong lumahok at nagbahagi ng kanilang dugo para sa mga nangangailangang pasyente.
Ang proyektong ito ay bahagi ng adbokasya ng Pamahalaang Bayan ng Angat na palakasin ang boluntaryong pagbibigay ng dugo. Ayon sa RHU, ang bawat bag ng dugo na nakokolekta ay malaking tulong sa mga emergency cases, operasyon, at iba pang medikal na pangangailangan ng mga Angateño.
Nagpasalamat ang mga kinatawan ng RHU sa mga sumusunod sa mga Blood Donors na nagpakita ng tunay na malasakit sa kapwa, sa pamunuan ng Barangay Sulucan para sa pagpapatuloy at suporta sa pasilidad at sa mga medical staff at volunteers na naging katuwang sa maayos na daloy ng donasyon.









Comments