top of page
bg tab.png

Disiplina at Karapatang Pantao: Angat MPS, Nagkasa ng PICE Kaugnay ng Araw ng Kalayaan


Alinsunod sa mga alituntunin ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030, isinagawa ng Angat Municipal Police Station ang regular na Police Information and Continuing Education (PICE) sa kanilang mga tauhan nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 12, 2026, ganap na 7:45 ng gabi.


Ang aktibidad ay idinaos sa panahon ng daily accounting of personnel o gabi-gabing pag-uulat at pagbibilang ng mga tauhan. Ito ay pinangunahan ni Police Captain (PCPT) Mirari S. Cruz, na tumatayong Duty Officer of the Day (OD), sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Major (PMAJ) Joel M. Alba, Acting Chief of Police ng Angat MPS, katuwang ang Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Sa naturang PICE, ibinahagi at tinalakay sa mga pulis ang Human Rights Advisory para sa pagdiriwang ng "128th Independence Day" o Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Layunin ng patuloy na edukasyong ito na paalalahanan ang bawat miyembro ng kapulisan na habang ipinagdiriwang ang kalayaan ng bansa, tungkulin nilang panatilihin ang mataas na antas ng propesyonalismo at tiyakin na palaging iginagalang at pinoprotektahan ang karapatang pantao ng bawat mamamayan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page