top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

DepEd Day sa GulayAngat 2023


Ang konsepto ng DepEd Day ay isang masiglang selebrasyon na binibigyang pansin ang pagpapahalaga sa kahalagahan ng edukasyon gayundin ang talento ng mga kabataang Angatenyo sa patnubay ng magigiting na mga guro sa ating bayan. Idinisenyo bilang isang plataporma para sa mga mag-aaral at guro ang pagdiriwang na ito at magsisilbing isang daynamikong pagpapakita ng pagkamalikhain, talino, at artistikong pagpapahayag sa pamamagitan ng anim na binuong patimpalak.

-Masining na Pagbasa (Elementary Teachers)

-Spoken Word Poetry (Senior High School/SHS Teacher at College)

-Tagis Talino (High School)

-Paggawa ng Poster (Elementary at High School)

-Paggawa ng Islogan (Elementary at High School)

-Pagsulat ng Sanaysay (Elementary at High School)


Sa mga guro at mag-aaral na naging bahagi ng Deped Day sa pagdiriwang ng ikalawang Gulayangat festival, maraming salamat sa inyong pagsusumikap at pagmamahal sa edukasyon. Congratulations muli sa inyong mga tagumpay at nawa'y patuloy ninyong dalhin ang liwanag ng kaalaman sa ating bayan. Mabuhay ang DepEd, mabuhay ang edukasyon at mabuhay ang ating mga guro at estudyante na nagpapakita ng pagmamahal sa kaalaman at sining. Mabuhay kayo!

5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page