top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

Deliberation of Annual Investment Program for CY 2026



(May 28-30, 2025): Ginanap ang deliberasyon para sa Annual Investment Program (AIP) kung saan dinaluhan at aktibong nakibahagi si Gng. Jessica Joy S. Villarama, ang Municipal Nutrition Action Officer (MNAO).


Ang Deliberation of Annual Investment Program (AIP) ay isang mahalagang pagpupulong na ginaganap taun-taon kung saan pinag-uusapan ng mga lokal na opisyal, mga kawani ng pamahalaan, at iba pang kinatawan ng komunidad ang mga proyekto at programa na ilalagay sa taunang plano ng pamahalaan. Dito nila tinitingnan kung ano ang mga prayoridad na proyekto na kailangan ng komunidad, kung paano gagamitin nang maayos ang pondo, at paano masisiguro na ang mga programa ay makakatulong sa pag-unlad at kapakanan ng mga mamamayan.


Ang layunin ng deliberasyon ay magkaroon ng bukas na diskusyon upang marinig ang boses ng iba't ibang sektor, tiyakin ang transparency, at pagplanuhan nang maayos ang paggamit ng pondo para sa susunod na taon. Sa ganitong proseso, nagkakaroon ng pagkakasundo kung ano ang mga proyekto ang pinaka-importante at dapat unahin para sa ikabubuti ng buong bayan.


 Sa kanyang pagdalo, nagbigay siya ng mga makabuluhang suhestiyon at rekomendasyon na nakatuon sa pagpapabuti ng mga programang pangnutrisyon at pangkalusugan, lalo na para sa mga vulnerable sectors ng komunidad tulad ng mga bata, kababaihan, at mga pamilyang nangangailangan

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page