DELIBERATION OF ANNUAL INVESTMENT PROGRAM FOR CY 2026
- Angat, Bulacan
- May 29
- 1 min read

Kaisa si G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH1 - MDRRMO sa Deliberation of Annual Investment Program para sa taong 2026 upang isangguni ang mga planong proyekto, porgrama, at aktibidad ng departamento para sa susunod na taon.
Ang Deliberation of Annual Investment Program ay isang pagpupulong kung saan binabalangkas ang pag aaloka ng pondo sa bawat opisina ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Sa deliberasyon na ito ay nagkakaroon ng diskusyon sa mga popondohang programa, proyekto, at mga aktibidad upang patuloy na makamit ang Asenso at Reporma para sa Bayan ng Angat.

Ang AIP ay nagsisilbing balangkas upang isakatuparan ang mga layuning pangkaunlaran, tinitiyak na ang mga pananalapi ay ginagamit nang mabisa upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pagpaplano sa pagba-budget, ang AIP ay mahalaga para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga lokal na programa at aktibidad na naglalayong mapabuti ang kapakanan at kaunlaran ng komunidad.
Dumalo ang ama ng Bayan ng Angat Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista upang personal na marinig at magbigay direksyon sa mga isinasangguning mga proyekto.
Tuloy tayo sa pag angat, Angat!
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments