Day 3 ng Basic Water Safety and Rescue Training, Isinagawa
- Angat, Bulacan

- Nov 19
- 1 min read

Matagumpay na isinagawa ang ikatlong araw ng Basic Water Safety and Rescue Training ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat ngayong araw, Nobyembre 19, 2025.
Ang pagsasanay ay nilahukan ng mga kawani mula sa:
MDRRMO Angat Rescue Team
Angat Bureau of Fire Protection (BFP)
Angat Rural Health Unit (RHU)
Layunin ng training na i-angat ang kapabilidad at kakayahan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagresponde at pamamahala ng mga kalamidad, partikular na ang mga insidente na may kinalaman sa tubig.
Ang pinagsama-samang pagsasanay ng iba't ibang ahensya ay nagpapalakas sa inter-agency coordination tuwing may emergency.
Hinimok ang publiko na tumawag sa Angat Rescue Hotline 0923-926-3393 / 0917-710-5087 kung may emergency.









Comments