top of page
bg tab.png

Community Risk Assessment, Isinagawa ng Angat MDRRMO sa Brgy. Encanto at Pulong Yantok


Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang matatag at handang pamayanan, muling nagsagawa ng Community Risk Assessment (CRA) ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nitong Hulyo 9, 2026.


Sa pamumuno ng Punong Bayan at Tagapangulo ng MDRRMC na si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, at sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), nagtungo ang CRA Team sa dalawang barangay sa munisipyo upang suriin ang kanilang antas ng kahandaan sa mga sakuna.



Naging bahagi ng nasabing assessment ang Barangay Encanto sa pamumuno ni Kapitan Resty Garcia, at ang Barangay Pulong Yantok sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Renato Abong San Pedro.


Sa pamamagitan ng CRA, masusing tinukoy ng koponan at ng mga lokal na lider ang mga pangunahing banta sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan tuwing may kalamidad, partikular na ang panganib ng pagbaha. Nagsagawa rin ng isang konsultatibong panayam upang makabuo ng mga angkop at mabilis na aksyon at solusyon sa mga natukoy na peligro.


Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng aktibong pakikiisa ng Bayan ng Angat sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong buwan ng Hulyo, na may temang: "Naghahanda at Kumikilos tungo sa Panatag at Bagong Pilipinas."


Ayon sa MDRRMO Angat, ang pagpapatibay sa kaalaman at kakayahan ng bawat barangay ang pinaka-epektibong pundasyon upang matiyak na ang bawat pamilyang Angateño ay manatiling ligtas, handa, at panatag sa anumang panahon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page