COMELEC Satellite Registration, Gaganapin sa Barangay Sulucan ngayong Pebrero 14
- Angat, Bulacan

- Feb 11
- 1 min read

Isang mahalagang anunsyo para sa mga nais maging rehistradong botante! Inihayag ng Pamunuan ng Barangay Sulucan na magkakaroon ng Satellite Voter Registration ang COMELEC sa inyong barangay hall upang mas ilapit ang serbisyo sa mga mamamayan.
Layunin ng proyektong ito na bigyan ng pagkakataon ang mga residente na makapag-rehistro nang hindi na kailangang bumiyahe pa patungo sa mismong opisina ng COMELEC.
Detalye ng Registrasyon:
Petsa: Pebrero 14, 2026 (Sabado)
Lokasyon: Barangay Hall ng Sulucan
Sino ang Pwedeng Mag-apply: Lahat ng residente na may edad 15-anyos pataas.
Magdala ng isang (1) original at photocopy ng anumang Valid ID na tinatanggap ng COMELEC, gaya ng:
Philippine National ID (PhilID)
Driver’s License
Student ID (para sa mga mag-aaral)
Passport
Postal ID o SSS/GSIS ID
Ayon sa panuntunan ng COMELEC, hindi tinatanggap ang Cedula, Barangay ID,Company ID, at Police Clearance bilang valid proof of identity.









Comments