Clean-up Drive ng Donacion sa Public Cemetery
- Angat, Bulacan

- Nov 2
- 1 min read

Isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Donacion ngayong araw, Nobyembre 2, ang kanilang lingguhang Clean-up Drive sa Donacion Public Cemetery.
Ang pagkilos na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng barangay upang panatilihin ang kalinisan at kaayusan hindi lamang sa mga pampublikong lugar kundi maging sa mga sementeryo. Ang paglilinis ay naglalayong tiyakin ang maayos at presentableng paligid para sa lahat ng dumadalaw.









Comments