Clean-Up Drive, Muling Isinagawa sa Barangay Niugan
- Angat, Bulacan

- May 9
- 1 min read

Muling nagkaisa ang Sangguniang Barangay ng Niugan at ang mga mamamayan sa isinagawang Clean-Up Drive ngayong araw, May 9, 2026.
Ang paglilinis ay bahagi pa rin ng patuloy na kampanya ng barangay upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong komunidad. Sama-samang nilinis ng mga opisyal at mga boluntaryong residente ang mga pangunahing daanan at mga pampublikong lugar.
Nagpasalamat ang pamunuan ng barangay sa lahat ng nakiisa sa aktibidad at muling nagpaalala sa publiko na ugaliin ang wastong pag-aalaga sa kapaligiran araw-araw.









Comments