Clean-Up Drive, Isinagawa sa Barangay Niugan
- Angat, Bulacan

- May 2
- 1 min read

Nagtulung-tulong ang Sangguniang Barangay ng Niugan at mga residente sa isinagawang Clean-Up Drive ngayong araw, May 2, 2026.
Layunin ng paglilinis na mapanatiling ligtas at malayo sa sakit ang komunidad. Sama-samang nilinis ng mga opisyal at boluntaryo ang mga kalye, baradong kanal, at mga pampublikong lugar sa barangay.
Nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng nakiisa at nagpaalala na panatilihin ang kalinisan sa tapat ng bawat bahay araw-araw.









Comments