top of page
bg tab.png

Clean-Up Drive at Road Clearing sa Brgy. Sulucan, Matagumpay na Isinagawa


Sabay na isinagawa ng pamunuan ng Barangay Sulucan at ng mga residenteng boluntaryo ang Weekly Clean-Up Drive at Road Clearing Operations nitong May 9, 2026 sa tatlong mahahalagang lugar sa komunidad.


Naging sentro ng malawakang paglilinis at pag-aalis ng mga harang sa kalsada ang kahabaan ng Luwasan St., Central St., at Hulo St.



Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Sangguniang Barangay upang mapanatiling malinis, ligtas sa mga sakit, at maayos ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing daanan para sa kapakanan ng lahat ng mga kabarangay.


Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat ng pamunuan ng Barangay Sulucan sa lahat ng nakiisa, nag-alay ng lakas, at nagpakita ng kooperasyon sa operasyon. Ayon sa barangay, ang ganitong pagtutulungan ang susi upang mas lalo pang mapaganda at maisaayos ang kapaligiran ng buong pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page