top of page
bg tab.png

Church Visitation at Police Visibility sa Sta. Monica Church, Isinagawa ng Angat MPS


Upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa mga lugar ng pananampalataya, naglunsad ng Church Visitation at Police Visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Sta. Monica Church na matatagpuan sa Barangay Sta. Cruz ngayong Hulyo 19, 2026, simula ika-6:40 ng umaga.


Isinagawa ang naturang pagbabantay sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, kasama ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang aktibong presensya ng kepulisan sa paligid ng mga simbahan, lalo na sa mga araw ng pagsamba, ay naglalayong maghatid ng kapayapaan at kapanatagan ng loob sa mga mamamayan.

Pinaalalahanan din ng kapulisan ang publiko na manatiling alerto at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa oras ng emergency.

"In case of emergency, Dial 911 — the Unified Emergency Hotline available 24/7 for immediate response!"

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page