Inspeksyon sa JT7R Farm sa Barangay Niugan Sa Kabila ng Masamang Panahon
- Angat, Bulacan
- Jul 22
- 1 min read
Updated: Aug 5

Sa kabila ng hindi magandang lagay ng panahon, isinagawa pa rin ng ating tanggapan ang masusing inspeksyon sa JT7R Farm sa Barangay Niugan. Ilang mga gusali sa farm ang nakatakdang mag-ani ngayong gabi at sa mga susunod na araw. Kasabay nito, pinaalalahanan natin ang pamunuan ng farm na patuloy na bantayan ang mga gusaling ito at maging alerto upang maiwasan ang anumang abala o problema na maaaring makaapekto sa ating mga mamamayan.
Patuloy din nating minomonitor ang kalagayan ng mga poultry farms at piggery sa buong bayan upang masiguro ang kaligtasan at kalinisan lalo na sa ganitong panahon. Kasama sa inspeksyon sina Ms. Eveliza De Guzman (MENRO), Mr. Dennis Alarma (MENRO Staff), Ms. Arlene Payumo (Sanitary Officer), at Mr. Yral Calderon (Disaster BPLO) upang masiguro ang maayos na pagsusuri.
Muli, hinihikayat namin ang lahat na mag-ingat at maging mapagmatyag sa pagbabago ng panahon upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.
Comments