Campaign vs Sexual Assault: Inilunsad ng Angat Police Station
- Angat, Bulacan

- Jul 10
- 1 min read

Paigtingin ang proteksyon para sa kababaihan at kabataan, masigasig na isinusulong ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang adbokasiyang "Stop Rape" sa buong nasasakupan ng bayan ng Angat.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya upang sugpuin ang lahat ng uri ng pang-aabuso, pang-aagaw ng karapatan, at karahasan laban sa kababaihan at mga bata (VAWC).
Binigyang-diin ng Angat MPS ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan at ng komunidad upang maiwasan ang mga kaso ng panggagahasa at sexual assault.
Hinihimok ng kapulisan ng Angat ang publiko na huwag matakot mag-ulat at magsumbong kung may nalalamang anumang banta o insidente ng pang-aabuso sa kanilang nasasakupan.
Pinaalalahanan din ang lahat na ang kaligtasan ng pamayanan ay nakasalalay sa pagiging alerto at pakikipagkapwa-tao ng bawat isa.









Comments