Camp Coordination and Camp Management Training for BDRRMC Marungko
- Angat, Bulacan
- Jun 25
- 1 min read

Noong nakaraang Hunyo 18-19,2025 ay isinagawa ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee ng Barangay Marungko ang pagsasanay para sa Camp Coordination and Camp Management para sa mas Handa na komunidad.
Ang pagsasanay ay pinangunahan nina Ma. Lourdes Albordia, LDRRM Officer III at Maria Lilibeth F. Trinidad, LDRRM Officer II na tinalakay ang mas epektibong pamamahala sa panahon ng sakuna.
Dinaluhan ito ng iba't-ibang miyembro ng BDRRM Committee mula mga opisyal ng barangay, LLN, hanggang volunteer members ng komite.
Nagkaroon rin ng Team Building ang barangay upang mas mapagtibay ang samahan ng Barangay Marungko tungo sa mas epektibong komunikasyon sa panahon ng kalamidad.
Ang pamahalaang Bayan ng Angat sa ilalim ng Punong Bayan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ay buo ang suporta para sa adhikaing mapatatag ang mga barangay para sa mas matibay at matatag na pagtugon sa sakuna sa Bayan ng Angat.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments