top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฒ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ข๐›๐จ๐ฒ ๐’๐–๐ˆ๐ ๐š๐ญ ๐Ÿ-๐Š๐Œ ๐…๐š๐ซ๐ฆ ๐ญ๐จ ๐Œ๐š๐ซ๐ค๐ž๐ญ ๐‘๐จ๐š๐ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š. ๐‹๐ฎ๐œ๐ข๐š


Idinaos ang pormal na pagpapasinaya ng 1-KM Farm to Market Road at Maiboy Small Water Impounding Project sa Barangay Sta. Lucia. Sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama ang iba't ibang kinatawan mula sa pamahalaan at lokal na komunidad, nagsimula ang programa sa isang pagbabasbas na pinangunahan ni Rev. Fr. Joshua Panganiban.


Nagtagumpay ang seremonya na dinaluhan ng mga kawani mula sa DPWH, kasama si Engr. Lester Bacual, Provincial Agriculturist Ma. Gloria SF. Carillo, APCO Memito Luyun III at Vice Governor Alex Castro, kasama ang Pangalawang Punong Bayan na si Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga magsasaka na direktang makikinabang sa mga proyektong ito.


Ang pagpapaganda sa mga kalsada at pagtatayo ng Maiboy SWIP ay daan para sa mga magsasakang nasa Barangay Sta. Lucia at Binagbag. Isa ring malaking tulong ang SWIP sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig para sa kanilang pangangailangan sa pagsasaka.


Sa pangkalahatan, itong mga proyektong ito ay mahalagang hakbang sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa ating bayan na magdadala ng pag-ANGAT sa kabuhayan at kalagayang pang-ekonomiya ng mga lokal na magsasaka.

3 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page