top of page
bg tab.png

Business Visitation sa San Roque, Isinagawa ng Angat MPS para sa Peace and Order


Sa patuloy na pagpapaigting ng seguridad sa mga sentro ng komersyo, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang Police Visibility at Visitation of Business Establishments sa Barangay San Roque ngayong ika-6 ng Mayo, 2026.


Ang operasyon na nagsimula bandang alas-9:32 ng gabi ay pinangunahan nina PSSg Estimada at Pat Cabusao, mga Patrol PNCOs, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, at sa gabay ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Layunin ng aktibidad na ito na mas mapalapit ang kapulisan sa mga mamamayan at sektor ng negosyo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga residente at business owners upang malaman ang tunay na sitwasyon ng seguridad sa lugar at pagtalakay sa mga hakbang para sa crime prevention at pagtugon sa iba pang mga hinaing ng komunidad. Ang aktibong presensya ng mga pulis sa gabi ay naglalayong pangambahan ang mga masasamang loob at maiwasan ang anumang ilegal na aktibidad.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page