top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

Business One-Stop-Shop


Ngayong araw ay sinimulan na ang operasyon ng BOSS (Business One-Stop-Shop) upang maging mas madali ang pag-aayos ng mga rekisitos para sa pagpapatala ng mga negosyo. Maaari pong magtungo sa 3rd Floor Municipal Conference Room ng ating munisipyo ang mga nagmamay-ari ng negosyo upang isagawa ang pagpoproseso ng inyong Business/Mayor’s Permit mula Enero 3-20, 2023 mula alas 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng Hapon.


Hinihikayat ko ang mga nagmamay-ari ng negosyo sa Bayan ng Angat na gawing legal ang operasyon ng inyong negosyo. Ipatala o irenew ang pagpapatala nito sa ating Pamahalaang Bayan upang makiisa sa kampanyang regulasyon sa mga komersyong umiiral sa ating munisipalidad upang hindi magdulot ng suliranin sa ating bayan.

Commentaires


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page