Bulacan, Isinailalim sa RED Warning Level; Seryosong Pagbaha, Pinangangambahan!
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Initaas ng PAGASA sa pinakamataas na Red Warning Level ang lalawigan ng Bulacan at iba pang bahagi ng Gitnang Luzon at Metro Manila dahil sa patuloy na pagbuhos ng matinding ulan na dulot ng pinalakas na Hanging Habagat (Enhanced Southwest Monsoon).
Batay sa Heavy Rainfall Warning No. 34 na inilabas ng PAGASA-NCR PRSD at ipinabatid ng MDRRMO Angat nitong Linggo, Agosto 9, 2026 (11:00 AM), nagbabala ang mga awtoridad sa seryoso at malalang pagbaha (serious flooding) sa mga mabababang lugar at malapit sa mga ilog.
Bukod sa buong lalawigan ng Bulacan, nakapailalim din sa Red Warning Level ang mga sumusunod na lugar:
Luzon / NCR: Metro Manila, Bataan, Zambales, at Pampanga
Mga piling bayan sa: Tarlac, Rizal, Quezon (General Nakar), Cavite, Nueva Ecija, at Laguna
Dahil sa matinding panganib na dulot ng masamang panahon, mahigpit na pinapayuhan ng MDRRMO Angat ang publiko at ang mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Offices na manatiling alerto, mag-subaybay sa lagay ng panahon, at mag-ingat sa posibleng pagilikas kung kinakailangan.
Para sa mga nangangailangan ng tulong o may emergency sa Bayan ng Angat, agad na tumawag sa Angat Rescue Hotline:
Smart/Sun: 0923-926-3393
Globe: 0917-710-5087









Comments