Bulacan Fun Run 2026, Bukas na para sa Registrasyon!
- Angat, Bulacan

- May 14
- 1 min read

Inanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ng Angat, sa pamamagitan ng Business Permits & Licensing Office (BPLO), ang lahat ng mga Angatenyong mahilig sa pagtakbo, fitness enthusiasts, at mga nagnanais sumuporta sa pag-unlad na sumali sa gaganaping “LLOBI RUN FOR PROGRESS BULACAN FUN RUN 2026”.
Ang malaking aktibidad na ito ay naglalayong isulong ang kalusugan, pagkakaisa, at tuluy-tuloy na progreso sa buong Lalawigan ng Bulacan.
Mga Detalye ng Event:
📍 Lugar: Philippine Arena, Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan
📅 Petsa: Hunyo 6, 2026 (Sabado)
⏰ 4:00 AM – Assembly Time (Oras ng Pagtitipon)
⏰ 4:30 AM – Race Orientation (Pagbibigay ng Gabay sa Takbo)
⏰ 5:00 AM – Gun Start (Opisyal na Pagsisimula ng Takbo)
🏃♂️ 5KM – Php 550
🏃♀️ 10KM – Php 750
Kasama sa Inyong Registration Fee (Race Inclusions): Lahat ng magpapatala ay makatatanggap ng opisyal na Event T-Shirt, Bib Number na may kasamang Pins, isang magandang Acrylic Medal pagkatapos ng takbo, at iba pang mga kapana-panabik na Giveaways.
Ang registrasyon ay BUKAS NA para sa lahat! Upang makasiguro ng inyong slot, maaaring pumili sa mga sumusunod na paraan:
Online Registration: I-click lamang ang opisyal na link na ito upang mag-fill out ng form: https://docs.google.com/.../1FAIpQLSeblINzHcoP3C.../viewform o i-scan ang opisyal na QR Code.
On-site Registration: Bisitahin ang pinakamalapit na LGU Registration Area sa inyong lokal na pamahalaan.
Makiisa, tumakbo nang may layunin, at ipagdiwang ang kalusugan at pagkakaisa para sa mas progresibong Bulacan! Kita-kits sa Philippine Arena!









Comments