top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

BUKAS NA LIHAM MULA SA:PAMILIHANG BAYAN NG ANGAT ASSOCIATION INCORPORATED (PABAI)


Isang magandang araw po sa ating lahat. Ang Pamilihang Bayan ng Angat Association Incorporated o PABAI ay isang lehitimong Samahan ng mga Vendors at Stall owners na umookupa sa ating Pamilihang Bayan ng Angat.


 Kami po ay Samahang nabuo sa ilalim ng kasalukuyang Administrasyon upang maging kaagapay at katuwang tungo sa malinis at maayos na pagpapaunlad ng ating bayan lalot higit sa Pamilihang Bayan kung saan ang mga kapwa namin stall owners at vendors ay naghahanapbuhay. Kami po ay grupo ng mga ordinaryo at pribadong tao lamang, subalit dahil po sa hinihingi ng panahon at dala na rin po ng aming tungkulin bilang mga officers at siyang boses ng mga taga Palengke, kailangan po naming ilahad sa inyo ang usapin tungkol sa aming Business Permit para sa taong 2025.


Ang amin pong Samahan, sa patnubay at pagsang ayon ng ating Angat Market Master Engr. Larry Sarmiento ay dumulog sa ating butihing Mayor Reynante S. Bautista upang humingi ng konsiderasyon na mabigyan kami ng diskwento sa aming magiging bayarin sa Business Permit sapagkat ito ay hindi sakop ng Market Office kundi ng BPLO. Ang mga stall owners at vendors po sa ating Pamilihang Bayan ay may konsiderasyon naman na taon taon kung tutuusin, subalit sa mahal ng bilihin at sa dami ng dapat bayaran ng isang lehitimo at responsableng negosyante, minarapat naming lumapit at magbakasakali. Sa kabutihang palad po, imbes na kuhanin sa regular na gross ang halaga ng aming business permit, at dahil nasa pampublikong establismentong lugar naman ang aming mga stalls, ang butihing Mayor po natin ay nakipag ugnayan sa ating BPLO upang alamin kung makakayang iretain na lamang ngayong taon ang halaga ng aming business permit. Subalit dahil po mayroon sistemang sinusunod ang Business Permit and Licensing Office hindi po maaaring maretain kaya napagkasunduan na lamang po na magkaroon ng kaunting pagtataas sa halaga ng aming Business Permit. Kaunting pagtataas na kung tutuusin ay sobra sobra na upang ikatuwa ng aming mga miyembro sa Palengke. Para po sa kaalaman ng lahat, ANG LAHAT PO NG MGA STALL OWNERS NA NAGBAYAD NG PERMIT sa ilalim ng Pamilihang Bayan ng Angat ay nakinabang dito mapa maliit na pwesto o malaking stalls man. Maaari po ninyong alamin iyan sa sinumang stall owner na nagtitinda sa ating palengke na nagbayad ng kanilang mga permit. Bukod po sa adjustment ay nabigyan rin po kami ng BPLO ng sapat na panahon upang makabayad at ng mga pamamaraan ng pagbabayad ( Installment basis) upang hindi maging mabigat sa amin ang pagkakaroon ng updated na permit. Kaya kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga opisinang aming nilapitan ( BPLO, Market Office at Mayor’s Office) lalot higit sa ating Mayor Reynante “Jowar” Bautista sapagkat naramdaman namin ang isang tunay na malasakit at suporta ninyo upang maisakatuparan ang aming kahilingan tungkol sa aming Business Permit.


Nawa po ay makatulong ang aming PAGLILINAW na ito upang lubos ninyong maunawaan ang mga issue o usapin na may kinalaman sa aming Business Permit. Tayo po ay magtulong tulong na itaas ang kalakalan sa ating Bayan sapagkat tayong Angatenyo rin naman ang makikinabang dito.

Maraming Salamat po at pagpalain po tayo ng Poong Maykapal.

-Mensahe mula sa Pamunuan ng PABAI sa pangunguna ng inyong lingkod,

JAYSON HILARIO- Stall # 85 Angat Public Market

Commentaires


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page