Brgy. Sulucan, Nagsagawa ng Joint Committee Meeting para sa Kaligtasan at Kapayapaan
- Angat, Bulacan

- Jun 24
- 1 min read

Upang mas mapagtibay ang mga programa para sa seguridad, kalusugan, at kapakanan ng bawat mamamayan, matagumpay na idinaos ng Barangay Sulucan ang isang Joint Committee Meeting nitong Martes, Hunyo 23, 2026.
Ang pagpupulong ay dinaluhan at pinag-isa ang apat na mahahalagang sangay at komite ng lokal na pamahalaan:
BADAC (Barangay Anti-Drug Abuse Council)
BPOC (Barangay Peace and Order Committee)
BCPC (Barangay Council for the Protection of Children)
GAPFPS (Gender and Development Focal Point System)
Sa pamumuno ng Sangguniang Barangay, tinalakay sa pagtitipon ang mga estratehiya kung paano mas mapalalakas ang pagpapanatili ng kapayapaan sa mga kalsada, ang patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga, at ang masusing pagbabantay sa karapatan at kaligtasan ng mga kabataan at kababaihan sa loob ng komunidad.









Comments