top of page
bg tab.png

Brgy. Sulucan, Naglabas ng Babala Laban sa mga Online Modus


Isang seryosong babala ang inilabas ngayong araw ng Pamahalaang Barangay ng Sulucan para sa lahat ng mga kabarangay matapos makapagtala ng mga insidente ng online hacking at panggagaya ng account sa social media.


Layunin ng abisong ito na protektahan ang mga residente laban sa mga mapagsamantalang indibidwal na gumagamit ng maling impormasyon upang makapanlinlang at makakuha ng pera.


Mariing ipinapaalam ng barangay na ang Facebook account ng ating Barangay Health Worker (BHW) na si Tessie Santiago ay kasalukuyang na-HACK.


Anumang mensahe o chat na galing sa kanyang account na humihingi ng pera o nag-aalok ng transaksyon ay HINDI GALING SA KANYA. Mangyaring huwag magpadala ng anumang halaga o magbigay ng personal na impormasyon kung makatanggap ng chat mula rito.


Pinapaalalahanan ang lahat na maging mapagmatyag sa dalawang (2) pangunahing modus na kumakalat ngayon:

  1. Modus sa Ayuda (AKAP): May mga nagpapanggap na nag-aalok ng ayuda (gaya ng AKAP) upang makuha ang inyong personal na impormasyon. Tandaan na ang mga opisyal na programa ay dumadaan sa tamang proseso sa barangay hall.

  2. GCash at Pagsend ng Pera: May mga hacker na nagcha-chat gamit ang na-hack na account ng inyong kakilala, nagpapanggap na magse-send ng pera, o kaya naman ay manghihiram dahil sa "emergency."



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page