top of page
bg tab.png

Brgy. Sulucan, Nagkapit-bisig sa Clean-up Drive


Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang malinis at ligtas na komunidad, matagumpay na naisagawa ang Weekly Clean-up Drive sa area ng Tubao 2 nitong Sabado, ika-21 ng Pebrero, 2026.


Ang lingguhang aktibidad na ito ay pinangunahan ng mga opisyal ng Barangay Sulucan katuwang ang mga masisipag na barangay workers at mga boluntaryong residente na nagkakaisa para sa iisang layunin—ang mapanatili ang ganda at sanitasyon ng ating kapaligiran.


Nakatuon ang naging operasyon sa paglilinis ng mga gilid ng kalsada, pag-aalis ng mga nakatenggang basura, at pagtiyak na walang baradong daluyan ng tubig sa Tubao 2.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page