top of page
bg tab.png

Brgy. Niugan, Nag-aanyaya sa mga Residente para sa PhilHealth YAKAP Member Enlistment Part 2


Inaanyayahan ng pamunuan ng Barangay Niugan ang lahat ng mga kwalipikadong residente na makiisa at magparehistro sa gaganaping PhilHealth YAKAP Member Enlistment (Part 2).


Ang naturang programa ay gaganapin sa Biyernes, Hulyo 3, 2026, mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Niugan Health Center.


Para sa mga nagnanais na magparehistro, ipinapaalala na dalhin ang mga sumusunod na kinakailangang dokumento at kagamitan:

  • Isang Valid ID (tulad ng National ID, Driver's License, o Passport)

  • Cellphone na may active SIM card

  • PhilHealth ID (kung mayroon na)


Hinihimok ng lokal na pamunuan ang mga mamamayan na huwag palampasin ang pagkakataong ito upang makabilang sa programang naglalayong magbigay ng mas maayos at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page