top of page
bg tab.png

Brgy. Marungko, Patuloy ang Bayanihan sa Isinagawang Weekly Clean-Up Drive


Hindi natitinag ang pagkakaisa ng mga opisyal at residente ng Barangay Marungko matapos muling isagawa ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Mayo 23, 2026.


Ang patuloy na programang ito ay bahagi ng adbokasya ng barangay na mapanatiling ligtas, malinis, at malayo sa mga sakit ang buong komunidad, lalo na ngayong pabago-bago ang panahon at madalas ang pag-ulan.


Sa tulong ng mga boluntaryong residente, nakatutok ang paglilinis sa pagwawalis ng mga kalsada, patgtabas ng mga damo, at pag-aalis ng mga basura sa mga baradong kanal upang maiwasan ang pagbaha at ang pag-iipon ng tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok.


Nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga nakiisa at nagpaalala na ang kalinisan ng kapaligiran ay responsibilidad ng bawat isa para sa kaligtasan ng buong pamilya sa Marungko.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page