Brgy. Marungko, Nagpaabot ng Pagbati sa Kaarawan ni Vice Mayor Arvin Lopez Agustin
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Isang mainit at mapagpalang pagbati ang ipinaabot ng pamunuan at mamamayan ng Barangay Marungko para sa kaarawan ng masipag at dedikadong Bise Alkalde ng bayan, Hon. Arvin Lopez Agustin.
Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag, taos-pusong pinasalamatan ng barangay ang Bise Alkalde para sa kanyang walang-sawang suporta at tapat na paglilingkod sa buong komunidad.
Kalakip ng pagdiriwang na ito ang mga panalangin ng Brgy. Marungko para sa kay Vice Mayor Arvin ang mabuting kalusugan at lakas, upang patuloy niyang magampanan ang kanyang mga tungkulin para sa bayan. Patuloy ding tagumpay, para sa mga susunod pa nitong plano at programa na mag-aangat sa bayan ng Angat sa mas mataas na antas ng kaunlaran.







Comments