BPLS-Joint Inspection Team, Umikot sa Brgy. Donacion at Niugan
- Angat, Bulacan

- May 8
- 2 min read

Upang matiyak na ang bawat negosyo sa bayan ay legal at ligtas na nagpapatakbo, muling isinagawa ng BPLS-Joint Inspection Team ang isang masusing Field Validation at Inspection sa mga negosyo sa Barangay Donacion at Barangay Niugan.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng Lokal na Pamahalaan ng Angat, sa pamamagitan ng Business Permits & Licensing Office (BPLO), na mapanatili ang kaayusan at patas na pamantayan sa sektor ng komersyo sa buong bayan.

Pangunahing layunin ng operasyon na suriin kung ang bawat establisimyento ay may sapat at kaukulang dokumento at nakatutugon sa mga umiiral na batas at regulasyon ng pamahalaan.
Kasabay nito, muling ipinaalala rin ng BPLO sa mga business owners ang mahalagang alituntunin na ang mga opisyal na Business Permit at Plaka ay kinakailangang nakapaskil sa hayag na lugar (conspicuous place) o sa bahagi ng establisimyento kung saan ito ay madaling makita ng publiko at ng mga awtoridad.
Naging matagumpay ang inspeksyon sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba't ibang departamento ng lokal na pamahalaan. Kasama sa nasabing Joint Inspection Team ang mga kinatawan mula sa:
Business Permits & Licensing Office (BPLO)
Municipal Planning & Development Office (MPDO)
Municipal Engineering Office (MEO)
Sanitary Office (Rural Health Unit - RHU)
Municipal Tourism Office
Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)
Ipinapaabot ng BPLO Angat na ang kanilang tanggapan ay palaging bukas para sa mga nais mag-ayos ng kanilang mga dokumento o magtanong ukol sa proseso ng pagkuha ng permit.
Para sa mga katanungan, paglilinaw, o kung mayroon kayong ibig isumbong o ireport, maaaring magsadya nang personal sa kanilang opisina. Maaari rin kayong tumawag o mag-iwan ng opisyal na mensahe sa kanilang Official Facebook Page.









Comments