top of page
bg tab.png

BPLO Angat, Naglabas ng Mahalagang Pabatid para sa mga Pumasok na Merchants

Sep 22
1 min read

Nagpalabas ng mahalagang abiso ang Business Permits and Licensing Office (BPLO Angat) para sa mga negosyanteng nagpasa ng kanilang impormasyon sa ginawang pre-registration link at QR code.


Ayon sa BPLO, tatawagan ang mga napiling merchants mula Setyembre 21 hanggang Setyembre 23, 2026, upang ipaalam ang kanilang pagkatanggap at ipaalala ang nakatakdang unang pagpupulong (first meeting) na gaganapin sa Setyembre 25, 2026.


Ipinabatid din ng tanggapan na makatatanggap din ng mensahe ang mga hindi pinalad na makapasok sa kasalukuyang batch. Binigyang-diin ng BPLO na marami pa silang nakahandang mga programa at inisyatiba para sa pagpapalakas at pakinabang ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa bayan.


Para sa iba pang mga katanungan o klaripikasyon, pinapayuhan ang publiko na tumawag o magtungo nang direkta sa tanggapan ng BPLO sa Pamahalaang Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page