BPC-Angat, Nagsagawa ng Earthquake Drill Kasama ang MDRRMO
- angat bulacan
- Oct 19
- 1 min read

Angat, Bulacan — Bilang bahagi ng patuloy na kampanya sa kahandaan sa sakuna, isinagawa ng Bulacan Polytechnic College – Angat Campus (BPC-Angat) ang isang Earthquake Drill katuwang ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Pinangunahan ng Angat Rescue Team ang pagsisimula ng drill sa pamamagitan ng pagpapatunog ng sirena bilang hudyat ng simula ng lindol. Agad na sumunod ang mga estudyante at guro sa "Duck, Cover, and Hold" protocol bago ligtas na nagsagawa ng evacuation palabas ng mga gusali.
Matapos ang drill, nagsagawa ng Information and Education Campaign (IEC) si G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO). Ibinahagi niya sa mga estudyante ang mahahalagang kaalaman at tamang hakbang sa panahon ng lindol, kabilang na ang paghahanda bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.
Nagbigay rin si G. Rivera ng ebalwasyon sa naging daloy ng earthquake drill. Ayon sa kanya, matagumpay ang aktibidad ngunit may ilang aspeto sa pasilidad ng kolehiyo na maaari pang pagbutihin upang mas mapabuti ang kahandaan sa oras ng tunay na sakuna.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng LGU na gawing ligtas at handa ang mga paaralan sa Bayan ng Angat.









Comments