Sa araw na ito, ipinagdiriwang ng ating bansa ang ika-160 na anibersaryo ng kapanganakan ng Ama ng Rebolusyong Pilipino na si Gat. Andres Bonifacio na nagtatag ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK.
Ang buhay at kabayanihan ni Gat. Bonifacio ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino, na tulad niya, ay may matibay na pagmamahal sa bayan at determinasyon na harapin ang mga pagsubok sa araw-araw na buhay.
Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa paggunita sa mahalagang araw na ito, na nagbibigay daan upang kilalanin at alalahanin ang kabayanihan ng Ama ng Rebolusyong Pilipino na nag-iwan ng mahalagang marka sa kasaysayan ng Pilipinas.
Hozzászólások