top of page
bg tab.png

Blue Zone Farm: Bida sa Turismo ng Angat

ree

Isang makabuluhan at produktibong pagpupulong ang isinagawa kaugnay ng pagpapaunlad ng proyektong agro-turismo sa Encanto Blue Zone Farm (GK Enchanted Farm)—isa sa mga natatanging yaman at maipagmamalaking destinasyon ng bayan ng Angat. Sa pagtutulungan at pagbabahaginan ng kaalaman, tinalakay ang mga plano at estratehiya upang higit pang mapalago ang potensyal ng lugar bilang sentro ng sustainable farming, community development, at turismo.


Kabilang sa mga dumalo at nagbigay ng kanilang buong suporta ang Ama ng Distrito 6, Cong. Ador Pleyto, at Cong. Jonathan Dela Cruz, na kapwa nagpahayag ng kanilang hangarin na magbigay ng karagdagang tulong at programang susuporta sa agrikultura, kabuhayan, at pag-unlad ng turismo sa bayan.


Lubos din ang pasasalamat sa tagapagtatag ng GK Enchanted Farm, Ginoong Tony Meloto, sa kanyang walang sawang pagtataguyod at malasakit upang maipakita sa mas malawak na publiko ang kagandahan at kahalagahan ng Blue Zone Farm. Ang kanyang pangitain at dedikasyon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga mamamayan at nagsisilbing gabay sa pagbuo ng isang mas progresibong Angat—isang bayan na maipagmamalaki sa larangan ng turismo, agrikultura, at pagkakaisa ng komunidad.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.
Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page