top of page
bg tab.png

Blessing and Inauguration of Angat Dialysis Center

“Marami tayong pangarap… maraming balak para sa bayan ng Angat. Isa sa mga programang tinutukan ang serbisyong pangkalusugan at doon kami pinagkatiwalaan ng mamamayan ng Angat…. Kung tutulong tayo, ugatin natin kung paano tayo makakatulong sa mahabang panahon. Sa pagtatayo ng dialysis center na ito, hindi dito natatapos ang problema ng mga mamamayan natin na mayroon sakit sa bato o sa kidney. Kaya naman hangad nating mabigyan natin sila ng kumbinyente, prayoridad at sense of pride na mayroon nang dialysis center na pwedeng tumulong sa aming Angatenyo”.

- Mayor Jowar Bautista

Sa okasyong ito, naganap ang makabuluhang seremonya kung saan si Rev. Msgr. Manuel Villaroman ang namuno sa panalangin at pagbabasbas ng gusali. Pagkatapos nito, nagkaroon ng pagkakataon na magbigay ng kanilang mga mensahe. Ibinahagi ni Municipal Administrator Noel Alquino ang kanyang mensahe, kasunod ni Bokal Art Legaspi, Bokal Jay De Guzman at Mayor Reynante S. Bautista na nagbahagi rin ng inspirational na mensahe. Naroroon din si Vice Mayor Arvin Agustin, Cong. Salvador Pleyto at Dr. Roberto Tugade na kilalang Operation Manager ng Renal Solution Dialysis Center.

Sa pagpapasinaya ng bagong Angat Dialysis Center, kasama sa programa ang mga Punong Barangay, mga department heads, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Ang okasyong ito ay hindi lamang isang simpleng pagpapasinaya, ito ay nagpapakita rin ng pagkakaisa ng mga sektor ng pamahalaan at komunidad sa layunin na mapabuti ang kalusugan at serbisyo para sa mga mamamayan ng Angat. Ito'y isang halimbawa ng pagtutulungan at pagsusumikap ng mga opisyal upang mapanatili ang kalusugan at kagalingan ng mga nasasakupan.


10 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page