top of page
bg tab.png

BDRRM Plan Formulation Training, Isinagawa ng MDRRMO


ree

Nagsagawa ng mahalagang Disaster Risk Reduction and Management Committee Plan Formulation Training ang Barangay Niugan noong Nobyembre 21 hanggang 23, 2025.


Ang layunin ng tatlong araw na pagsasanay ay bumuo ng epektibong Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Plan.


Pinangunahan ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ang pagsasanay na sumentro sa tamang pagpaplano na naaayon sa kaukulang pondo ng Barangay.


Ang pangunahing tinalakay sa unang araw ay ang BDRRM Fund, kung saan inalam ang mga prayoridad na mga proyekto, programa, at aktibidad para sa susunod na taon. Binigyang-diin na ang mga prayoridad na ito ay hindi lamang base sa kagustuhan ng Sangguniang Barangay, kundi naka-angkla sa datos na ikinalap mula sa isinagawang Community Risk Assessment ng Barangay.


Naging aktibo ang pagsasanay at nagtapos sa isang Team Building Activity upang patatagin ang samahan ng BDRRM ng Barangay Niugan para sa mas epektibong disaster response.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page