Bayanihan sa Paglilinis, Patuloy na Itinataguyod sa Barangay Donacion
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Sa gitna ng paghahanda para sa nalalapit na Paskuhan, hindi kinaligtaan ng Barangay Donacion ang kanilang panata sa kalikasan matapos muling makiisa sa “Barangay Kalinisan Day” noong Sabado, Disyembre 20, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay kasama ang mga masisipag na kawani nito. Layunin ng nasabing clean-up drive na masiguro na ang buong barangay ay malinis, maayos, at ligtas mula sa anumang sakit ngayong panahon ng mga pagtitipon at selebrasyon.









Comments