top of page
bg tab.png

Bayanihan sa Barangay Sta. Cruz, Muling Ipinamalas sa Weekly Clean-Up Drive


Muling nagkasama-sama ang pamunuan ng barangay at mga residenteng boluntaryo ng Barangay Sta. Cruz para sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong araw.


Ang lingguhang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Sangguniang Barangay upang masiguro ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng buong komunidad laban sa mga sakit na nakukuha sa maruming kapaligiran. Nakatuon ang operasyon sa paglilinis ng mga gilid ng kalsada, mga kanal, at iba pang pampublikong lugar.


Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz sa lahat ng nakiisa at nag-alay ng kanilang oras at lakas, at muling nagpaalala sa bawat pamilya na ugaliin ang pagpapanatili ng kalinisan sa tapat ng kani-kanilang tahanan araw-araw.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page