top of page
bg tab.png

BAYANG ANGAT — HANDA AT MATATAG!

ree

Sa harap ng patuloy na lumalalang epekto ng pagbabago ng klima at ang mas tumitinding panganib na dulot nito, nananatiling matatag at maagap ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagtupad ng tungkuling pangalagaan ang bawat Angateño.


Bilang patunay ng pagiging handa at responsable, ang Bayan ng Angat ay nagsilbing Host Municipality sa isinagawang Gawad Kalasag Seal 2025 Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC/O) Mock Assessment, na dinaluhan rin ng mga kalapit bayan ng Norzagaray at Doña Remedios Trinidad (DRT).


Buong sigasig at kahandaan na hinarap ng mga miyembro ng LDRRMC ng tatlong bayan ang assessment na isinagawa ng mga kinatawan mula sa Office of Civil Defense (OCD) Region III na sina Mr. Cyril Jed Mendoza at Mr. Ryan Paul Roxas, katuwang si Mr. Philippe Levi N. Elester mula sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).


Layunin ng mock assessment na ito na suriin, beripikahin, at paghusayin ang mga isinumiteng verification records ng bawat bayan bilang bahagi ng paghahanda sa mga natural at human-induced hazards. Sa pamamagitan ng ebalwasyong ito, tinutukoy ang mga kalakasan at mga aspeto na maaari pang paigtingin upang matiyak na ang bawat programa at polisiya ay nakaayon sa pambansang pamantayan ng disaster preparedness and response.


Higit pa rito, pinatitibay rin ng aktibidad na ito ang koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan at ahensiya, gayundin ang kakayahan ng komunidad na makapaghanda at tumugon sa mga emerhensiya.


Sa Bayan ng Angat, ang kahandaan ay hindi lamang nakasulat sa plano — ito ay isinasabuhay, ipinaglalaban, at pinagyayaman. Kasama ng bawat kawani at ahensiya, buong puso ang ating pagkilos tungo sa isang ligtas, handa, at panatag na kinabukasan para sa bawat Angateño.


Ang MDRRMO-Angat ay taos-pusong nagpapasalamat sa bawat miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bayan ng Angat, na walang sawang nagsusumikap para sa kaligtasan ng komunidad.


Isang malaking pasasalamat din sa ama ng Bayan ng Angat at Chairperson ng MDRRMC, Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, sa kanyang matibay na suporta, malinaw na direksyon, at buong pusong pagtanggap upang gawing host municipality ang Angat para sa mahalagang aktibidad na ito.


Kung kayo ay may emergency, huwag mag-atubiling tumawag sa: Angat Rescue Hotline: 0923-926-3393 / 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page