Bayan ng Angat, Pinarangalan Bilang Outstanding Performer sa High-Value Crops Program
- angat bulacan
- Oct 3
- 1 min read

Isang malaking karangalan ang natanggap ng Bayan ng Angat matapos kilalanin bilang Outstanding Performer (Rank 2) sa Implementasyon ng High-Value Crops Development Program sa Agricultural Extension Worker’s Summit 2025 na ginanap noong Oktubre 1, 2025 sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos.
Ang nasabing pagkilala ay patunay ng sama-samang pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon ng mga magsasaka, agricultural workers, at ng Municipal Agriculture Office, sa tulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat, upang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lokal na antas.
Ang High-Value Crops Development Program ay isa sa mga pangunahing inisyatiba ng pamahalaan upang itaguyod ang produksyon ng mga pananim na may mataas na kita at market potential. Ang pagkamit ng ikalawang ranggo sa buong lalawigan ay nagpapakita ng epektibong implementasyon ng mga proyekto at serbisyong sumusuporta sa mga lokal na magsasaka.
Nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng tumulong at patuloy na sumusuporta sa mga programang pang-agrikultura ng bayan.
“Sama-sama nating paunlarin at ipagmalaki ang agrikultura ng Angat—para sa mas maunlad at masaganang kinabukasan,” mensahe ng pamunuan.








Comments