top of page
bg tab.png

Bayan ng Angat, Nakikiisa sa Pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month 2026


Buong pagmamalaking nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong Mayo 2026.


Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Proclamation No. 818, s. 2025 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, at sa ARTA Memorandum Circular No. 2026-0002 na naglalayong isulong ang mas mabilis at episyenteng serbisyo publiko.


Ngayong taon, ang pagdiriwang ay may temang: “Achieving Results through Transparency and Accountability (ARTA): Towards a more Productive Bagong Pilipinas.” Sa pamamagitan ng temang ito, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang transparency at accountability upang mas mapaganda ang paghahatid ng serbisyo sa publiko. Layunin nitong alisin ang mga red tape o mabagal na proseso sa pamahalaan upang mas maging produktibo at madali ang pagnenegosyo at transaksyon sa bayan.


Hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang lahat ng mamamayan at mga negosyante na patuloy na suportahan ang mga hakbang na ito para sa isang mas tumutugon at maaasahang pamahalaan.


Para sa mas marami pang impormasyon at mga aktibidad kaugnay ng EODB Month 2026, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng Anti-Red Tape Authority sa https://arta.gov.ph/eodbmonth/.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page